Kabilang
sa iimbestigahan ng Philippine National Police ay kung may mga pulis at sundalo
na sangkot sa aktibidad ng KAPA Community Ministry International partikular na
ang sinasabing private armed group.
Ito
ay matapos makumpiska ng Police Regional Office 13 o CARAGA ng samu't saring
high-powered firearms sa naarestong si KAPA Founder Joel Apolinario sa Surigao
del Sur.
Ayon
kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, sasalang sa pagtatanong
ang 23 na kasamang naaresto ni Apolinario para sa posible nilang nalalaman sa
aktibidad ng KAPA.
Sakali
rin anyang mapatunayan na may sangkot na government officials sa KAPA ay
posibleng sampahan din ng kaso ang mga ito.
Una
nang inihayag ni Gamboa na bubuo sila ng special task group na tututok sa mga
biktima ng umano'y investment scam ng KAPA.
Kabilang
sa tutukuyin ng special task group ay ang properties at bank accounts ng KAPA
at ang lehitimong claimants.
Matatandaan
na sinampahan ng kasong kriminal ang mga opisyal ng KAPA kaugnay ng paglabag sa
RA 8799 o Securities Regulation Code



0 Comments