Sa loob lamang ng 3 linggo, mahigit dalawang daang preso at mga empleyado ang agad na tinamaan ng pandemyang novel corona virus disease (COVID19).
321 ang aktibong kaso at 388 naman ang mga pasyenteng gumaling na sa 745 na mga preso at sa kasamaang palad naman ay 6 ang namatay. Habang pinalaya naman sa pagka quarantine ang 30 pasyenteng gumaling laban sa sakit na ito.
Sa mga empleyado naman 65 ang gumaling sa sakit habang may 60 aktibong kaso ang ginagamot pa at sa kabutihang palad ay wala pang nababalitang namatay sa mga ito.
Ang international group naman ng Human Rights Watch ay nanawagan sa gobyerno para imbistigahan ang mga namatay na mga preso na may kinalaman sa COVID19.
Inanunsiyo noong Huwebes ng Bureau of JAil MAnagement and Penology o BJMP na 745 na mga bilanggo at 125 mga empleyado ang napag-alamang positibo sa naturang virus.
Sa kabila naman ng pagtaas ng kaso ng COVID19 ang Supreme Court ay nagpetition ng Humanitarian Mass Release ng mga bilanggo. Para sa karagdagang solusynon sa mga hinaharap na problema ng nasabing bilangguan.
0 Comments