PANGULONG DUTERTE, SASAILALIM SA SWAB TEST BAGO ANG IKALIMANG SONA NITO SA LUNES!

Sasailalim si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa rt-pcr COVID-19 test o swab test bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa lunes, Hulyo a-27.

 

ayon kay Presidential Spokesperson secretary  Harry Roque, nais makatiyak ni Pangulong Duterte na negatibo ito sa COVID-19 bago ang kanyang SONA.

 

mababatid na personal na pupunta ang punong-ehekutibo sa Batasang Pambansa sa lungsod ng Quezon para mag-ulat sa bayan.

 

inilahad pa ni roque na lahat ng papasok sa batasan ay sasailalim sa pcr testing sa araw ng linggo habang ang nasa grounds ng batasan ay ira-rapid test para sa COVID-19.


samantala, wala pang detaLye ang palasyo kung sinu-sino ang labing limang myembro ng gabinete na makadadalo sa sona ni pangulong duterte.

 

Photo Credits: Presidential Spokesperson Harry Roque

pero kinumpirma ni roque na isa siya sa 15 cabinet members na personal na magtutungo sa batasan.

 

binanggit pa ng palace spokesman na aasahang ilalahad ni pangulong duterte ang pandemic recovery roadmap sa isasagawang fifth State of the Nation Address (SONA).


Post a Comment

0 Comments